Skip to main content

Posts

A New Page for 2017

I've just decided to post everything I want in this blog so please bear with me. :) I want to post here my random thoughts, my favorite Korean or Asian dramas and etc. Please enjoy reading ^^,
Recent posts

FINALE- SEATMATE

Palagi ko na lang silang sinusundan sa tuwing may date sila at sa tuwing hinahatid siya nung lalaking yaman lang naman ang kayang ipagmayabang.. Marami din kasi ang mas kampi sakin kaya nalalaman ko mula sa kanila kung saan nagpupunta sina Madelle. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko kung bakit imbis na maging masaya ako para kay Madelle dahil may mag- aalaga na sa kanya at mamahalin siya ng sobra, mukhang ako pa ang sagabal sa kanila. Naisip ko tuloy, " Mukha na ba akong kontra- bida?" Mabuti na rin at magaling din ako sa taguan dahil hindi nila ako napapansin sa tuwing sinusundan ko sila. Mukhang mahirap ligawan si Madelle dahil ni ultimo hawak lang sa dulo ng daliri ay hindi niya pinapagawa sa lalaki. " Teyka, gusto mo na ba si Madelle?" tanong sa akin ni Mike nang mabalitaan niya ang modus operandi ko. "Hah? Hindi naman. Siguro worried lang ako kay Madelle na baka lokohin lang siya nung lalaki." "Wag kana kasing magpalusot. Dapat nga maging ma

Kabanata8- SEATMATE

"Hay! ngayon lang talaga ako nakakilala ng lalaking iniiyakan ang isang babaeng siya mismo ang nang-iwan," opinyon ni Mike. Pagkaalis ni Mike, buong araw akong nagmukmok sa bahay. Buong araw na iginugol ang sarili sa pag-iisip at pagtatanong, pero natapos ang araw na yon na walang kasagutan at may sugat pa rin sa puso. Pumasok ako sa school kinabukasan. Haharapin ko si Madelle na duguan pa rin ang puso ko. Sinalubong ko siya ngunit parang gulat pa siya nang makita ako. Kakausapin ko na sana siya subalit iniwasan niya ako. "Madelle," hinabol ko siya para magkausap kami. Umaasa akong maiintindihan niya ako. Hinawakan ko ang kabilang braso niya upang pigilan siya sa paglalakad at pag-iwas sa akin. "Ano ba?!" asik niya saka niya tinanggal ang kamay ko. "Madelle, gusto ko lang magsorry. Sorry kung hindi ako nakapunta nung Sabado." Pero mukhang galit talaga siya, "Sinabi ko sayong pumunta ka diba? pero hindi ka pumunta. Alam mo bang hinintay

Kabanata7- SEATMATE

Natameme ako sa sinabi niya. Gulat na gulat pa akong napatitig sa kanya at halos dagain ang puso ko sa kaba. "Grabe noh? Ang tagal tagal na non..pero kapag naaalala ko, naiiyak pa rin ako," sinabayan niya pa ng pagtawa iyon pero hindi nakatakas sakin ang mga luha sa kanyang mga mata na kahit ano mang oras ay pwedeng bumuhos. Natahimik ako, Anu bang pwede kong sabihin sayo? Noica, mahal na mahal pa rin kita kung alam mo lang. Gusto ko ng isigaw ang nararamdaman ko pero natatakot ako. Ngayon pang alam kong may mahal na siyang iba. "Noica, sorry." hanggang ngayon, ang katagang yon pa rin ang kaya ko lang sabihin. Ngumiti siya, "yan din ang sinabi mo sakin nung iniwan mo ako." Naluluha na ako. Alam ko, sobra ko siyang nasaktan. Gusto kong bumawi pero sa tingin ko, huli na ang lahat para gawin ko pa yon. "Alam ko, nasaktan kita. Sorry.. at alam ko ding hindi sapat ang word na sorry sa mga nagawa ko sayo. Ang totoo niyan, after mo akong iwan, hinanap k

SEATMATE- Kabanata6

Hindi ko alam pero pilit lang ang ngiting naitugon ko sa sinabi ng kaibigan ko. "Tingnan ko na lang, di kasi ako sure eh." Napatango na lang ang kaibigan ko, " o sige. Basta text mo na lang ako kung makakapunta ka. Ikaw din, andun si Noica." tsaka ito nakakalokong ngumiti. Nagpalitan muna kami ng cellphone number bago tuluyang maghiwalay. Pagkauwi ko sa bahay, buong gabi kong pinag-isipan kung pagbibigyan ko ba ang hiling ng kaibigan ko. Pero kasama din dun ang pag-aalangan na makikita ko muli si Noica. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Natatakot ako na baka sa muli naming pagkikita, mas lalong lumaki ang pagsisisi ko na pinakawalan ko siya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Napabalikwas pa ako sa kama nang marinig ko ang ingay sa loob mismo ng kwarto ko. "Goodmorning 'Drei!! Gising na at male-late ka na sa klase natin." masiglang bati sakin ni Madelle "Anong ginagawa mo?" takang taka ako nang makitang hinahalukat nya

SEATMATE- Kabanata5

     "Alam mo, palagi kitang naiikwento kay Mama. Gusto ka nga niyang makilala eh," sabi niya sakin habang sabay kaming naglalakad sa my corridor ng University.  Natameme ako sa sinabi niya. Ano daw? Gusto akong makilala ng mama niya?? " Hah? B-bakit naman daw?" "Kasi kapag kinukwento kita sa kanya, masaya ako. Gusto ka daw niyang makilala kasi ang sabi ko, mabait ka." Masaya siya habang sinasabi iyon.  "Ano namang ikinukwento mo sa Mama mo? at saka anong mabait? Baka naman iba ang iniisip mo habang nagkukwento ka." tsaka ko sinabayan ng tawa.  Tinapik niya ako ng mahina sa may braso, "Loko! ikaw nga yon eh." "Pero hindi mo naman ako boyfriend para ipakilala diba?"  Saglit siyang tumahimik, "Oo. Pero hindi naman masama kung ipapakilala mo ang kaibigan mo sa nanay mo diba?"  "Sabi ko nga eh."  Ngumiti lang siya.  Sobrang close na kami ni Madelle

PAANO NA?

Umuulan isang umaga. Nakatanaw lang ako sa may bintana ng kwarto. Isa- isang naglalaglagan ang butil ng ulan sa salamin nito, kasabay ng pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari kahapon. Hindi mabura sa isip ko kahit na gustuhin ko ng ibaon sa limot. Bakit parang ganun lang kadaling iwan ang lahat? Halos limang buwan din kami. Para sakin, mahalaga na yon dahil siya lang naman ang lalaking nagtagal sakin. Ang dami na naming napagdaanan ng magkasama, at lahat yon, nalampasan namin. Siya ang naging dahilan ko para maging masaya uli. Hindi na nga ako sanay ng wala siya sa tabi ko, ang hindi siya makasama sa isang araw, ang makausap siya, at makipagkulitan sa kanya. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Lahat ng kaibigan ko, boto sa kanya lalo na't alam nilang pinapahalagahan niya ako. Masaya din ako kapag lagi niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. Sa tuwing nagkakaproblema kami, kahit ang babaw lang na dahilan, naiiyak na a